Kakaiba ang alok ng isang spa sa Japan dahil inihahalo ang red wine sa pool para pagliguan ng mga Japanese; mapamatanda man o bata.
Ito’y alinsunod sa pagdiriwang ng French Holiday na Beaujolais Nouveau bilang pagpapakilala ng mga bagong batch ng wine na naging popular sa buong mundo.
Dahil dito, naisip ng isang spa sa Japan na gayahin ang ginagawa ng mga Pranses kaya nagpagawa ng pool na may kumbinasyon ng maligamgam na tubig at red wine.
Pinapayagan din nito ang mga guest na uminon ng nais nilang red wine sa baso man o gamit ang kanilang mga kamay.
Ang paglublob sa pool na may red wine ay maganda pang rejuvinate ng katawan at mainam din ito sa puso.