Isang suspek sa Robbery sa Tabon, kaanak ng mga biktima; nagbaba kasi ng facemask

Kinumpirma ni Kapitan Ruth Sunayan ng Barangay Tabon, Quezon Palawan ang pagkakahuli sa isang suspek sa panloloob o Robbery sa dalawang tahanan noong nakalipas na Martes.

Nakuha ng armadong kalalakihan ang P40, 000.00 sa mga biktima maliban pa sa ibang kagamitan.

Ayon sa opisyal, kaanak pa ng apat na biktima ang nahuling suspek na si Kimson Lampa Dalasa, 38 anyos na residente rin sa Barangay Tabon Quezon Palawan.

Si Kimson ang isa sa itinuro ng mga biktima matapos nilang makilala noong gabi nang mangyari ang panloloob kasama ang armadong kalalakihan.

Ang ilan sa kasamahan ni Kimson ay nakasuot ng bonet subalit ito ay nagsuot lamang ng facemask at ibinaba pa umano nito noong gabi iyon kaya agad siyang nakilala.

Nang iimbetahan sana si Kimson ng pulisya ay tinangka pa nitong tumakas at kanyang itinaggi ang pagkakadawi pero hindi ito umubra sa mga testigo.

Kahapon, sinampahan ng Robbery with Attempted Homicide si Kimson at iba pang kasamahan nito na patuloy na tinutugis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *