Isang “Ultra Marathon Runner” nais makulong ng 15 araw sa isang mirror cage para makakalap ng perang ibibigay sa mga kabataang may addiction problem

NAIS makulong ng isang “Utra Marathon Runner” sa Bulgaria na si Krasse Gueorguiev ng 15 araw sa isang gawa sa salamin na kulungan para makalikom ng sapat na pera na ibibigay niya sa mga kabataang may problema sa adiksyon.

Ang nasabing challenge na ito ay isang fundraising event na iaalay niya sa mga kabataang higit na ngangailangan, lalo na pagdating sa problema sa  adiksyon katulad na lamang ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, pag-iinom ng alak, at sobra-sobrang paggamit ng social media.

Ang nasabing mirror cage ay itinayo sa harap ng National Palace of Culture sa Sofia, Bulgaria kung saan nang pumasok dito si Krasse  tanging kama at treadmill lamang ang gamit dito, pumasok noong April, 30 at nakatakdang lumabas si Krasse ngayong darating na May 15.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *