Isang US defense official, pinuri ang Pilipinas sa pagtanggal ng Chinese barrier sa Scarborough Shoal

Pinuri ng isang US senior defense official ang pagtanggal ng Pilipinas sa Chinese floating barrier sa bahagi ng Scarborough Shoal.

Sa isang congressional hearing, sinabi ni US Deputy Assistant Secretary of Defense for South and Southeast Asia Lindsey Ford na ang ginawang aksyon ng Pilipinas ay isang ‘bold step’ sa pagtatanggol ng soberenya.

Iginiit din niya ang pangako ng Washington sa pagbibigay ng seguridad sa kanilang mga kaalyado sa Asya.

Kamakailan, natuklasan ng PCG na inilagay ng Chinese Coast Guard ang 300-meter-long barrier sa timog-silangang bahagi ng Scarborough.

Agad itong tinanggal ng PCG bilang pagsunod sa utos ng Malacañang at ng National Task Force for the West Philippine Sea

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *