Aksidenteng nabingwit ng isang mangingisda ang isang Unexploded Ordnance o UXO habang nangingisda ito sa karagatang sakop ng Subic Bay Freeport Zone kahapon.
Sa ulat ng Olongapo City Explosive Ordnance Disposal and Canine Group, napag-alaman na ang nasabing Unexploded Ordnance o UXO ay isang Aircraft Bomb.
Ito ay aksidenteng nabingkwit ng isang mangingisda ng Kalaklan, itenurn-over ng barangay sa OCPO Station 1 na itinawag naman nito sa EOD team.
Samantala, agad na nagsagawa ng Render Safe Procedure ang EOD at dinala ito sa makeshift storage facility ng CECU for safekeeping.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: Olongapo CECU
