Isang vaccination site dinagsa ng mga magpapabakuna sa Buhi, Camarines Sur

NAGA CITY – Hindi napiligilan ng ilang residente sa bayan ng Buhi, Camarines Sur ang magwalk-in sa vaccination program, dahilan nito hindi nasunod ang minimum health protocol sa bayan.Bagamat malinaw sa Lokal na Pamahalaan ng Buhi maging sa mga residente ang ipinapatupad na health protocol, isang vaccination site ang dinagsa ng mga magpapabakuna nitong nagdaang araw sa naturang bayan.

Paliwanag ng Spokeperson ng Buhi na si Mark Nazarrea, hindi naintindihan ng ilang residente sa bayan na hindi pwedeng magwalk-in gayong mayroong ibinibigay na listahan sa bawat barangay.Paghingi pa ng paumanhin ni Nazarrea sa mga residente, limitado ang supply ng bakunang natatanggap ng LGU kaya hindi pa kayang magpawalk-in para sa mga magpapabakuna.

Karagdagan pa nito na may mga pagkakataon lamang na ang mga nasa priority group ay hindi lahat nakakapunta para magpabakuna dahil sa takot kaya naman may pagkakataon lamang na nagkakaroon ng announcement para sa mga gustong magpabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *