Isda na may pinaka-mahabang buhay sa lahat ng lamang dagat matatagpuan sa pinaka-malalim na bahagi ng karagatang pasipiko

NAITALA ang isda na tinatawag na Rough Eye Rockfish o Sebastes aleutianus bilang isda na may pinaka-mahabang buhay sa lahat ng lamang dagat, kung saan tinatayang aabot ang buhay nito hanggang 200 taon.

Ayon sa pag-aaral, tinawag na rough eye ang naturang isda dahil sa 10 spines na taglay nito sa ibabang bahagi ng kanyang malalaking mata, mabagal ang paglaki ng isdang ito  at humahaba lang umano ito hanggang 97 cm o 38 inches.

Samantala pagdating sa habitat ng nasabing isda kasama niyang  naninirahan ang mga deep water larger fish  sa pinaka-malalim na bahagi ng karagatang pasipiko, kung saan kaya nitong mabuhay sa pagitan ng lalim na 560 feet hanggang 2,200 feet.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *