Isolation ward sa Ospital ng Palawan malapit nang mapuno.

Malapit nanamang mapuno ang isolation ward sa Ospital ng Palawan (ONP).

Ayon kay Dr. Licci D. Castro head ng COVID-19 isolation sa ONP, sa kasalukuyan 56 pasyenteng ang kapasidad sa isolation ward ngunit ngayon mayroon na itong 52 pasyenteng nasa loob ng isolation facility.

Ang mga ito ay Covid-19 patient at nakahiwalay naman sila sa non- COVID19 patient.

Samantala , simula May 3, 2021 ang Out Patient Department (OPD) ng Ospital ng Palawan ay muling pansamantalang isasara.

Mananatiling bukas ang TB-DOTS Clinic at Animal Bite Treatment Center (ABTC) para sa mga pasyenteng may iskedyul ng bakuna. Para sa mga nais kumonsulta so OPD maaaring magtext o tumawag sa numero ng TeleKonsulta 0927-133-8128.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *