Hinimok ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez ang Israel na tigilan na ang indiscriminate killing o walang habas na pagpatay sa mga Palestinians sa Gaza.
Humiling si Sanchez ng agarang tigil-putukan sa nasabing bansa dahil malinaw na hindi nito ginagalang ang international humanitarian law.
Ayon sa Spain Prime Minister, walang pag-aalinlangang tumitindig ang kanilang bansa kasama ang Israel bunsod ng nararanasang pag-atake ng militanteng grupong Hamas pero sa kaparehong dahilan ay kinokondena rin nito ang mga walang pinipiling pagpatay sa mga Palestinians sa Gaza at West Bank.
Samantala, sa X post ni acting social rights minister Ione Belarra, sinabi nito na higit pa sa mga salita ang kailangan upang mahinto ang planong genocide na isinasagawa ng Israel sa Palestine.