Israeli troops, nagtipon-tipon sa Gaza border

Nagtipon ang mga Israeli troops sa border ng Gaza nitong Huwebes kasabay ng patuloy na pagpapakawala ng Palestinian militants ng rockets papunta sa Israel.

Base sa ilang mga ulat ay lumala ang ilang araw na karahasan sa pagitan ng Jewish Israelis at ng Arab minority sa nasabing rehiyon, kung saan ay inaatake na ang mga synagogues habang sumisiklab na ang bakbakan sa mga kalsada ng ilang komunidad.

Nagpapatuloy rin ang air strikes ng Israel sa Gaza kung saan ay tinamaan nito ang six-storey residential building na kontrolado umano ng Hamas, na isang Islamist group na may hawak sa Palestinian enclave.

Tinatayang nasa 83 tao na ang napatay sa Gaza mula nang tumindi ang kaguluhan sa lugar noong Lunes.

Samantala, base sa ilang mga kumakalat na videos sa social media ay makikita ang pagtama ng Palestinian rocket sa isang gusali malapit sa Tel Aviv na dahilan para masugatan ang limang Israelis.

Inihayag naman ng Israeli military na nasa pitong tao na ang napapatay sa kanilang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *