Istasyon ng pulis sa North Cotabato, pinasabugan ng granada

Nasa dalawa katao umano ang responsable sa pagpapasabog ng granada sa istasyon ng pulis sa Carmen, North Cotabato nitong Disyembre 15 pasado alas 6 ng gabi.

Ayon kay PLTCOL. Rey Salgado, hepe ng Carmen Police, habang abala ang kanilang mga tauhan sa pagbabantay ng mga aktibidad sa bayan, ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo na maghagis ng granada sa kanilang istasyon.

Suwerte na lamang na may isang pulis ang nakakita sa pag bagsak ng granada mula sa kanilang bobong kaya mabulis itong nakasigaw na may granada kung saan nakapag tago pa ang mga pulis sa istasyon.

Ma swerte rin na walang nasaktan sa pangyayari.

Dagdagi ni Salgado, marami rin umano silang nasagasaan na mga malalaking grupo sa kanilang police operation kaya isa ito sa kanilang anggulong tinitingnan.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na hinagisan ng granada ang Carmen MPS, una, noong buwan ng Abril 2021 na ma swerteng hindi sumabog.

Sa ngayon, ayon kay PLTCOL Salgado, mas hihigpitan na nila ang kanilang seguridad sa buong bayan para hindi na maulit pa ang pangyayari.//97.5 BNFM KIDAPAWAN – LIEZLE AÑON-BANGA
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *