Istriktong pagbabantay sa dredging ng cagayan river, tiniyak ng DENR RO2

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 ang istriktong pagbabantay sa dredging ng sandbars sa Cagayan River sa Appari Cagayan.

Ayon kay DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan, ang pagtatag ng 8 km common navigational channel sa River Dredging Zone ay magbibigay ng access sa mga pribadong kontraktor sa bahagi ng segment 3,5 at 7 ng phase 1.

Inutusan naman ni DENR Sec. Roy Cimatu ang mga regional heads ng DENR, EMB AT MGB na tiyaking nasusunod ng Great River North Consortium at Riverfront Construction, Inc. ang environmental laws na nakasaad sa pinirmahang memorandum of agreement.

Ayon pa kay RD Bambalan, maliban sa pag-alis ng sandbars ay mayroon nang 156,000 na kawayan at ilang indigenous species ang itatanim sa 585 na ektarya para sa riverbank stabilization sa ilog Cagayan.

Samantala, ayon naman sa ulat ng DPWH REGION 2, nasa 80.39% na may kabuoang 276,795 cubic meters ang nahukay sa isinasagawang pagtanggal ng sandbars sa Magapit Narrows.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *