Iniuwi ng Isabela State University Main Campus ang ikalimang pwesto sa katatapos na Programming Competition na inorganisa ng Philippine Society of Information Technology Educators Foundation, Inc. (PSITE) Region 12.
Ang naturang kompetisyon ay dinaluhan ng 18 Teams na binubuo ng tatlong Undergraduate Students na may computer-related course mula sa iba’t-ibang Higher Educations Institutions (HEIs) sa buong bansa.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang mga kinatawan mula sa ISU Echague ay pawang mga 2nd year students na may kursong Bachelor of Science in Computer Science na binubuo nina Godwin Bardiago, Ian Cedric Ramirez, at Carl Xavier Valdez.
Nagsilbi namang coach ng grupo na mula sa College of Computing Studies, Information and Communication Technology na si Ms. Cathleen Glo Feliciano.
Kinilala ang tatlong kalahok mula sa nasabing paaralan matapos itanghal na overall ranked 5 kung saan nasungkit ni Bardiago ang 1st placer, Ramirez para sa 9th place at Valdez sa ika-11 pwesto para sa Individual Category.