Italy, tinalo ang China sa Volleyball Nations League Week 2

Tinalo ng team Italy ang bansang China sa Week 2 ng Volleyball Nations League (VNL) sa score na 25-21, 25-18 at 25-19 na ginanap sa Araneta Coliseum nitong Linggo.

Patuloy na ini-improve ng koponan ng Italya ang kanilang performance para sa VNL Week 3 na gaganapin sa Gdansk, Poland.

Sa ngayon ay isa pa lang ang kanilang talo kung saan nakalaban nila ang Japan at inaasahan na sa mismong bansa nila gagawin ang final game ng naturang match.

Samantala, sinabi ng kanilang captain-setter na si Simone Giannelli na magfo-focus sila sa mga susunod na laro kung saan sabay-sabay umano silang lalago. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.