Itatayong ‘Integrated Market Commercial and Transport Complex’ sa Daraga, Albay malaking tulong upang mabawasan ang bigat ng trapiko at magbubukas ng oportunidad sa mga Daragueño

BNFM BICOL— Inihayag ni Daraga, Albay – Mayor Vic Perete na malaking tulong ang itatayong ‘Daraga Integrated Market Commercial and Transport Complex’ sa naturang bayan upang mabawasan ang bigat ng trapiko sa bahagi ng Ilawod at Market Site ng nasabing lugar. 

Ginawa ng alkalde ang pahayag kasabay ng isinagawa groundbreaking ceremony ng nasabing pasilidad na itatayo sa Brgy. Kimantong.

Oras na matapos na ang naturang proyekto, magkakaroon na ng karagdagang ‘parking space’ ang mga behikulo na may lawak umanong aabot sa isang ektarya.

Bukod ditto, tiyak aniyang madaragdagan rin ang oportunidad sa sektor ng negosyo na gagawa ng maraming trabaho at mag reresulta sa magandang ekonomiya ng bayan ng Daraga.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *