CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of Public Works and Highways na inisyal lang ang itatayong single storey building na magiging Provincial Office ng Department of Health sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon kay OIC- District Engineer Guilbert Romero ng Camarines Norte Sub-District Engineering Office, DPWH Region V, ang proposal daw talaga ng itatayong gusali ay 2 to 3 storey.
Gayunman, hindi nabanggit ni Romero kung mangyayri talaga ito pero ang tiyak ay single storey- building ito sa ngayon.
Hangad umano ng opisyal na sana ay maisakatuparan ang proyekto dahil bukod sa mga kawani ng DOH ay pakikinabangan din ito ng mga Cam Norteno.
Mababatid na sa matagal na panahon ay walang permanenteng opisina ang DOH sa lalawigan. Noong Biyernes ay ginawa ang ground breaking ceremony ng itatayong opisina sa Camarines Norte Provincial Hospital Ground.
