ITCZ at Shearline makaka-apekto sa Mindanao at Northern Luzon

Bagama’t tuluyan nang nalusaw ang low pressure area, patuloy pa rin uulanin ang Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang Shear Line naman ang nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon.

Ang Batanes at Babuyan Islands ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shear Line.

Ang Aurora, Quezon, Camarines Provinces, southern portion of Palawan, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa ITCZ.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil din sa ITCZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *