ITCZ, LPA, magdadala pag-ulan sa Mindanao, Palawan —PAGASA

Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang intertropical convergence zone sa Mindanao at Palawan.

Ayon sa weather bureau, namataan rin nila ang low pressure area sa 640 kilometers silangan ng Davao City, na kasabay ng ITCZ.

Ang naturang weather condition ay makakaapekto rin sa nabanggit na mga lugar.

Samantala, sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers dahil sa easterlies o localized thunderstorms.

Pinapayuhan naman ng Pagasa ang lahat na nabanggit na mga lugar na mag-ingat laban sa posibleng flash floods o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *