ITCZ, magdadala ng rainshowers, thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa

Inaasahang magdadala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Mindanao, at Eastern and Central Visayas.

Ang ITCZ at localized thunderstorms ay maari ring magdala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa National Capital Region at ibang bahagi ng bansa.

Sinabi naman ng Pagasa na ang bansa ay makakaranas mula sa break ng monsoon.

Paliwanag ng weather bureau, ang monsoon break ay period kung saan ang umiiral na wind pattern gaya ng habagat ay hindi madadala ng malakas na impact sa weather systems ng bansa.

Bilang resulta, inaasahan ng bansa na walang posibleng tropical cyclones na mabubuo sa mga darating na tatlo hanggang limang araw. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published.