ITCZ, magpapaulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao


Makakaranas ng maulang hapon ang malaking bahagi ng Mindanao dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ.

Ayon sa PAGASA, apektado nito ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, at CARAGA Region.

Bukod dito, may mga isolated thunderstorm din ngayong hapon sa Aurora, Quezon, ilang bahagi ng Samar at Leyte provinces at Bicol Region.

Samantala, patuloy naman ang mainit at maalinsangang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *