ITCZ nakakaapekto sa Palawan, Mindanao; Ulan sa Luzon, re: Amihan

Makakaranas ng maulap na kalangitan ang Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms, dahil sa intertropical convergence zone.

Ayon sa PAGASA, ang northeast monsoon ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan sa Cagayan, Kalinga, at Apayao.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains dahil sa northeast monsoon.

Samantala, ang localized thunderstorms at ang ITCZ ay magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers sa ibang bahagi ng bansa. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *