Iya Villania, nagpositibo sa COVID-19 habang buntis

Nagpositibo sa COVID-19 si Iya Villania, kung saan ipinakita rin nito ang kanyang sitwasyon sa Casa Arellano, habang sumisilip ang kanyang tatlong anak na sina Primo, Leon, at Alana sa glass door.

Mababatid na si Iya ay buntis rin sa pang-apat nilang anak ni Drew Arellano.

Sa kanyang Instagram post, sinabi nito na ang kanyang post ay para sa mga magulang na may parehong sitwasyon sa kanya, na kailangan munang hindi mayakap at mahalikan ang mga anak.

Pagpapatuloy pa ng host, ito umano ang pinakamahirap na bagay na mahirap niyang matanggap, matapos malamang nagpositibo siya sa virus.

Sa huli, hinimok nito ang kapwa magulang na hinaharap ang hamon ng pagiging COVID positive na kumapit lang. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *