Jack Animam, nagerekober nalang mula sa ACL tear

Malapit nang magbalik sa aksyon ang Filipina basketball star na si Jack Animam, siyam na buwan matapos ang matagumpay na knee surgery.

Ito ang kinumpirma ni Gilas Pilipinas Women coach Pat Aquino na siyang mahigpit na nagmomonitor sa recovery ni Animam sa United States.

Nabatid na napunit ang anterior cruciate ligament (ACL) ni Animam sa kanyang kaliwang tuhod, habang naglalaro para sa Radnički Kragujevac sa First Women’s Basketball League ng Serbia noong Nobyembre.

Sa kanyang walong laro sa Radnički, ang dating UAAP Most Valuable Player ay nagtala ng averaged na 17.5 points, 12.4 rebounds, 2.5 assists, at 1.5 steals sa mahigit 30 minuto bawat laro.

Ito ang kanyang unang stint bilang professional basketball player.

Leave a Reply

Your email address will not be published.