Jalal slaughter at meet section, hinihiling na magkaroon sa public market ng Brookes Point

Hinihiling ngayon sa Sanggunian bayan ng mga Muslim leader at Imam na magkaroon ng Jalal Slaughter at Jalal meet section sa pamilihan ng bayan ng Brooke’s Point.

Layunin nito ay upang makakasiguro na Jalal ang pag-proseso sa kinatay na karne, ligtas at maayos dahil sa  hindi umano pinahihintulutan sa kanila ang pagkatay na hinahampas o pinu pokpok bago katayin ang hayop.

Hindi rin umano mainam na nagkakahalo-halo ang mga karneng baboy at baka sa puwesto ng nagtitinda, dahilan na marami umanong muslim ang hindi bumibili ng karne sa pamilihang bayan.

Samantala ang nasabing kahilingan at usapin ay patuloy na tinatalakay sa Sanggunian bayan sa pamamagitan ni Konsehal Hayati Dugasan Bilang Chairman Communitee on Muslim Affairs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *