Janella Salvador at Markus Paterson magkasama sa binyag at birthday ng anak

Namataan sina Janella Salvador at Markus Paterson na magkasama sa binyag at ikalawang birthday party ng kanilang anak na si Jude, mahigit isang buwan matapos kumpirmahin sa publiko ang kanilang breakup.

Bitbit ni Salvador ang kanyang anak habang nagpapakuha ng litrato sa tabi ni Paterson sa isang simbahan, na makikita sa set ng mga larawang in-upload ng mommy ng aktres na si Jenine Desiderio, sa kanyang Instagram page kahapon.

“Welcome sa Christian world, [Jude Trevor Paterson and] happy 2nd birthday!” bati ni Desidero.

Nakita din sa isa pang post ang dating mag-asawa na kumakanta ng birthday song kasama ang mga bisita sa isang intimate party.

Dumalo sa nasabing event ang kapwa celebrity na si Maja Salvador at ang kanyang fiancé na si Rambo Nuñez.

Nagbigay din ng mas maraming sulyap sa selebrasyon sina Salvador at Paterson sa pamamagitan ng pagre-post ng mga larawan mula sa kanilang mga bisita sa kani-kanilang Instagram pages

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *