Janella Salvador sa balitang hiwalay na sila ni Markus Paterson: ‘Masaya kami individually’

Hindi kinumpirma, pero hindi rin itinanggi ni Janella Salvador ang usap-usapang hiwalay na sila ng aktor na si Markus Paterson.

Tugon lang ni Salvador, masaya sila “individually.”

Bagama’t hindi na idenetalye pa ng aktres ang kanilang relasyon ngayon ni Paterson, binigyang diin nito na siya at ang aktor ay nakatutok sa kanilang anak.

Sinabi nito, ang pagiging ina ang mas nagpasaya at mas nagpatapang sa kanya, para subukan ang iba’t-ibang bagay.

Mababatid na ang espekulasyon na hilaway na sila Salvador at Paterson ay lumabas noong Hunyo, matapos mapansin ng mga fans na wala na silang mga larawan sa kani-kanilang social media accounts.

Leave a Reply

Your email address will not be published.