Janet Lim Napoles, dinagdagan ng Sandigangbayan ng 138 taong pagkakakulong

Hinatulan ng Sandiganbayan Special Second Division ang negosyanteng si Janet Lim Napoles ng tatlo pang bilang ng graft at malversation of public funds.

Dahil dito, hindi bababa sa 138 taon ang kanyang lumalagong sentensiya sa bilangguan.

Ibinigay ng anti-graft court ang desisyon sa mga kasong nauugnay sa ₱35-million Priority Development Assistance Fund (PDAF), o pork barrel, ni dating Ilocos Sur Rep. Salacnib Figueras Baterina.

Bukod pa kay Napoles, hinatulan rin ng Korte sina Belina Agbayani Concepcion at Godofredo Roque, na guilty sa dalawang counts ng graft, gayundin sa dalawang counts ng malversation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *