Janet Lim Napoles, hinatulan ng 64 taong pagkakakulong

Hinatulan ng 64 na taong pagkakakulong ng Special Second Division ng Sandiganbayan ang negosyanteng si Janet Lim Napoles

Ito’y matapos ilabas ng mga mahistrado ang desisyon sa 4 counts ng kasong graft at malversastion of public funds.

Kaugnay ito sa iligal na paggasta ng halos P20M pork barrel fund ni dating South Cotabato Representative Arthur Pingoy.

Sa 57 pahinang desisyon ng Special Second Division, 3-2 ang naging botohan ng mga mahistrado kung saan guilty sa apat na kasong malversation of public funds at anti graft si Napoles.

Samantala, sa isang pahayag sinabi ng abogado ni Napoles na si Atty. Rony Garay, na maghahain sila ng motion for reconsideration sa desisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *