Japan Coast Guard nagpasalamat sa PCG sa pagsagip sa Japanese crew na nakaranas ng maritime accident

Nagpaabot ng pasasalamat ang Japan Coast Guard sa Philippine Coast Guard matapos nitong respondehan ang limang Japanese seafarers na nakaranas ng maritime accident sa katubigan ng Navotas, Calapan sa Oriental Mindoro noong Sabado.

Umaasa si JCG Commandant Admiral Shohei Ishii na lalago pa ang bilateral relationship sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa PCG, nasiraan ang MV Catriona fishing vessel na sinasakyan ng limang Japanese na kinilalang sina Osamu Kawakami, Itsuo Tamura, Hiromu Nishida, at Hamagato Tsukasa at Hata Isamu

Galing ng Japan ang lima at patungo sana ng Davao nang mabutasan ang barko.

Nakatanggap ng distress call ang PCG kung kaya agad na nagsagawa ng search and rescue operation.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *