Japan, maghahain ng protesta, matapos bumagsak ang Chinese missiles sa kanilang EEZ

Inihayag ni Japanese defense minister Nobuo Kishi, na limang ballistic missiles na pinakawalan ng China, mula sa kanilang  military exercises, ang bumagsak umano sa kanilang exclusive economic zone (EEZ).

Ang naturang exercises, na largest ever ng China sa Taiwan Strait, ay kinabibilangan ng live-firing sa mga karagatang north, south, at east ng Taiwan, dahilan para magbigay ito ng tensyon sa lugar .

Dahil dito, sinabi ni Kishi na mariin nila itong ipo-protesta sa pamamagitan ng diplomatic channels.

Samantala, mahigpit namang minomonitor ng pwersa ng Taiwan ang unprecedented Chinese drills sa karagatang sakop ng kanilang isla, at iginiit na handa umano sila sa posibleng gulo, bagama’t hindi nila ito hinahanap.

Ang military exercises ng China, ay dalawang araw matapos ang pagbisita ni U.S. House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, ang highest-ranking U.S. official sa dumalaw sa nakalipas na 25 taon, at ilang oras, matapos sabihin ng China na kinansela ang planong pulong sa pagitan ng kanilang foreign minister at ng Japan, dahil hindi nila nagustuhan ang pahayag ng G7, na naghihimok sa Beijing sa resolbahin ng mapayapa ang tensyon sa Taiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.