Japan magluluwag na ng COVID-19 restrictions sa mga turista

Luluwagan na ng Japan ang kanilang COVID-19 restrictions sa mga turista kasabay ng pagbubukas ng kanilang border matapos ang dalawa at kalahating taon.

Sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida na simula sa October 11 ay luluwagan na ng kanilang bansa ang border control measures habang ibabalik na nila ang visa-free travel at individual travel.

Aminado si Kishida na tulad ng maraming bansa, naantala din ang malayang pagkilos ng mga tao, mga goods at kalakalan na malaking tulong sa kanilang bansa.

Matatandaan na ang Japan tulad ng China ay patuloy na naghihigpit sa kanilang mga restrictions sa mga dayuhang turista dahil sa paglaban sa COVID-19.

Marami naman ang nagsasabi na dapat ding samantalahin ng mga turista ang mahinang currency ng Japan habang inaasahang mas maraming ang dadalaw sa nasabing bansa dahil sa pagbabalik ng visa-waiver program na sinuspende noong March 2020.

Una nang tumanggap muli ng mga turista ang Japan noong Hunyo na dapat ay may kasamang mga guides na requirement ng mga gustong magbakasyon sa nasabing bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published.