Japan PM Kishida nangako ng maximum security sa G7

Nangako si Japanese Prime Minister Fumio Kishida ng maximum security sa mga world leaders sa pulong na isasagawa ng G7 sa bansa.

Ito ay matapos siyang hagisan ng isang smoke bomb ng isang lalaki sa kanyang campaign speech.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek matapos ang insidente.

Nangyari ang insidente noong Sabado sa opisyal na kampanya para sa lower house by election para sa Wakamaya No. 1 district.

Matatandaan na si dating Prime Minister Shinzo Abe ay binaril at napatay habang nagsasalita sa isang kampanya para sa upper house election noong July 2022.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *