Japanese Embassy, pinasalamatan si Remulla sa deportation ng apat na Japanese fugitives

Pinasalamatan ng Japanese Embassy si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa deportation ng apat na Japanese fugitives na umano’y sangkot sa sunod-sunod na pagnanakaw at telephone fraud cases sa kanilang bansa.

Sa isang liham kay Remulla, inihayag ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lubos na pag-unawa at kooperasyon sa pagpapatapon sa mga umano’y kriminal.

Ayon kay Kazuhiko, hindi malilimutan ng Japanese government ang determinadong pamumuno na ipinakita ni Remulla.

Umaasa rin aniya ito na higit pang mapapahusay ang malapit na uganyan ng Pilipinas at Japan sa lahat ng aspeto ng dalawang bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *