Jason Hernandez, active na ulit sa IG matapos ang breakup nila ni Moira dela Torre

Nagbabalik sa pagiging aktibo sa Instagram ang singer-songwriter na si Jason Hernandez, matapos ang halos dalawang buwang pamamahinga sa social media

Nitong nakaraang July 26, 2022, biglang nag-post si Jason ng update tungkol sa kanya.

Unang lumabas ang anunsiyong tapos na ang pagsusulat niya ng mga kanta para sa kanyang bagong album na ilalabas sa Nobyembre.

Sinundan naman ito noong August 1, kung saan ipinarinig niya ang lyrics ng kanta niyang may titulong “After Your Heart.”

Ang isa pa niyang post ay ang chords naman ng “Babalik Sa’yo, ” hanggang sa nasundan pa ng post na larawan niya sa mabatong gilid ng dalampasigan.

Mababatid na noong May 31, 2022 ang huling post ni Jason, kung saan ito ang joint statetement nila ni Moira tungkol sa kanilang desisyong tapusin ang halos tatlong taon pa lang nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa ngayon, wala pang impormasyon kung may naghain na sa kanila ng annulment matapos ikasal ang dalawa January 14, 2019 sa isang garden wedding sa Tagaytay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *