Jason, nag-effort raw kay Moira upang magkaroon ng chance na magkabalikan

Nag effort raw ang estranged husband ni Moira na si Jason Hernander upang magkaroon ng chance na magkabalikan ang dalawa.

Sinabi ito ni Jason sa naging sagutan sa pagitan ng kapatid ni Moira na si J’mee.

Burado na ang parehong social media posts ng dalawa, pero kumalat pa rin ang screenshots mula sa netizens.

Nag-ugat ito matapos ilabas ni Jason ang bago niyang music video para sa kantang “Ikaw Pa Rin” na kung saan ay makikita ang ilang eksena sa naging kasal nila ni Moira noong 2019.

Ayon kay J’mee, naiimbyerna siya sa nilabas na video at kanta ni Jason dahil taliwas ito sa reyalidad.

Hindi naman nagtagal nang sagutin ni Jason ang mga naging komento ni J’mee.

Ayon sa kanya, wala siyang choice kundi i-post ang kanyang saloobin sa social media dahil naka-block siya sa kapatid ni Moira.

Bago pa man ilabas ni Jason ang kanyang bagong kanta at music video ay madalas nang mag-trending sa social media ang singer.

Ito ay dahil sa kanyang “mystery girl” na ibinabandera sa socmed kamakailan.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *