Jazz, naabot na ang 50-win mark ngayong NBA season

Naitala ng Utah Jazz ang kauna-unahang 50 wins ngayong season ng NBA matapos nitong talunin ang Houston Rockets sa score na 124-116 sa Vivint Arena sa Salt Lake City.

Dahil diyan ay nanatili pa rin ang Jazz sa pinakatuktok ng NBA standings hawak ang home record na 31-4, habang papalapit na ang playoffs.

Nanguna sa Jazz si Georges Niang na nagtala ng 24 points.

Nagtapos naman sa double digit scoring ang apat na iba pang Jazz players kabilang na ang Filipino American na si Jordan Clarkson na nagrehistro ng 21 points.

Samantala, sa ibang laro ay nabasag ng Golden State Warriors ang franchise record nito sa threes matapos nitong magwagi kontra OKC Thunder sa score na 136-97, sa Filipino Heritage Night sa Chase Center.

Nakagawa ang Warriors ng 27 threes na higit pa sa dati nitong franchise record na 25.

Leave a Reply

Your email address will not be published.