JCI Daet kabihug, magsasagawa ng programang “Kaogmahan sa bagasbas” ngayong Easter Sunday

CAMARINES NORTE- Isasagawa sa ika-9 ng Abril, linggo ng pagkabuhay ang inorganisang programa ng JCI Daet Kabihug, na “kaogmahan sa bagasbas 2023.”

Ito ay sa pakikipagtulungan umano ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ng Provincial Tourism Operations Office ng nasabing lalawigan.

Itatampok sa nasabing programa ang mga palarong easter egg hunting, laro ng lahi, buradulan o kite flying competition, bantayog sa buhangin o sand castle making at ang first bantayog surfing competition.

Bukas umano para sa lahat ang nasabing programa, ibig sabihin, walang age requirements ang mga palaro ngunit kailangang mag-register ng gustong sumali dahil limitado lamang ang slot para dito

Ang registration form ng nasabing palaro ay makikita sa FB page ng JCI Daet Kabihug, magkakamit rin ng premyo ang mananalo sa bawat palaro sa nasabing programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *