Jeepney driver, huli sa drug buy-bust operation sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang jeepney driver matapos kumagat sa pain ng mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa Zone 10, Brgy. 37, Bitano, lunsod ng Legazpi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Edgar”, 55 anyos residente ng Purok-3, Brgy. Oro Site ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, nagsagawa ng Anti-illegal Drugs Operation ang Legazpi CPS kasama ang 503rd Maneuver Company, at iba pang yunit sa nabanggit na lugar laban sa suspek.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na humigit-kumulang isang gramo sa halagang P6,800.

Nang magkapalitan ng item at pera, dito na hinuli ang suspek, kung saan ikinagulat nito na mula sa otoridad ang kaniyang katransaksyon.

Ang mga narekober at ang suspek ay pansamantalang nasa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *