Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hawaii ang ginagawang jeepney modernization ng Pilipinas.
Sinabi ng pangulo na malaking porsyento ng transportation sa Pilipinas ay nakadepende sa dyip.
Hindi naman sang-ayon ang ilang grupo sa modernization programs ng gobyerno.
Para sa Gabriela partylist bogus ang pagpapatupad ng modernized jeep dahil gusto lang kunin ng mga corporation ang ruta ng mga public utility vehicle o PUV.
Dagdag pa nito, pabigat lang para sa komuter ang uutanging pera para magkaroon ng modern jeep.
Aabutin kasi ng P2 milyon pesos ang mga PUV samatalang P250 ,000 lang ang tradisyunal jeep.
Nababahala naman ang ilang mga operator at drivers dahil maaaring magmahal ang pamasahe sakilng mawalan ng mga traditional jeep.
Una ng giniit Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi sapilitan ang pagbili ng mga makabagong jeepney.