Jeron Teng, parte na ng koponan na San Miguel Beermen

Pumirma ang dating De La Salle University star player na si Jeron Teng ng kasunduan sa koponan ng San Miguel Beermen, na magsisilbi niyang bagong tahanan sa PBA sa susunod na dalawang taon.

Ito’y matapos mabigo si Teng na ma-extend ang kontrata noong Agosto sa dati nitong team na Converge FiberXers.

Makakasama ni Teng sa koponan ang mga star players na sina June Mar Fajardo, Terrence Romeo, CJ Perez, at marami pang iba.

Maaring mag-debut si Teng bilang manlalaro ng San Miguel Beermen sa November 15, sa laban nila sa NLEX Road Warriors sa Ynares Center sa Antipolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *