Tiniyak ng Japan International Cooperation Agency o JICA ang patuloy na suporta sa socio-economic development ng bansa.
Ang pagtiyak ay matapos na makipagpulong si JICA President Tanaka Akihiko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagpupulong, inihayag ni Tanaka ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng JICA sa Pilipinas na matagal nangkaalyado ng Japan.
Ang JICA ay nagsisilbing pinakamalaking bilateral aid agency sa buong mundo, na may presensya sa mahigit 150 bansa at rehiyon,at may mga 90 overseas office sa buong mundo.
Isa rin itong nangungunang Philippine partner sa socioeconomic development.//CA