JLGMH may 35 personnel na positibo sa kasalukuyan sa covid-19

Kinumpirma ng pamunuan ng James L. Gordon Memorial Hospital na mayroon ito ngayong mga personnel ang tinamaan ng covid-19.

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, 35 ang kasalukuyang nagpositibo sa virus.

Mula sa nasabing bilang, 25 dito ay nasa pangangalaga ng ospital habang sampo ang naka-home quarantine.

Bagamat nagpositibo sa virus ay wala naman umano sa mga ito ang nasa severe o critical na kondisyon.

Sa ngayon ay nasa isandaang porsyento na umano ang ICU bed utilization ng pagamutan dahil ang JLGMH ay isa sa mga ospital sa bansa na tumatanggap ng covid patient mula sa ibang lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *