Napili ng Department of Health ang James L. Gordon Memorial Hospital na tumanggap ng nasa 20-milyong pisong halaga ng mga medical equipments.
Ito ay sa pamamagitan ng Health Facility Enhancement Program ng Kagawaran.
Inanunsyo ito ni Hospital Chief Dr. Jewel Manuel sa isinagawang flag raising ceremony ng City Government.
Nakapag-usap na rin umano sila ni Mayor Rolen Paulino Jr., para sa mga kagamitang kinakailangan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
