JLGMH sa Olongapo, di muna tatanggap ng mga batang pasyente

Suspendido muna ang pagtanggap ng James L. Gordon Memorial Hospital ng mga batang pasyente.

Ito ay makaraang magpositibo sa corona virus disease noong nakaraang linggo ang pitong nurse na naka-assign sa pediatric ward o kwarto na para sa mga bata.

Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, maliban sa kulang na ang mga tauhan na titingin sa sitwasyon ng mga batang pasyente, dalawa lang ang resident doctor na gagamot sa mga nasa ward.

Ganunpaman, iniutos na ni Manuel sa mga medical staff ng pagamutan na tingnan ang kondisyon ng mga batang dadalhin sa ospital bago payagang maghanap ng ibang pagamutan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Lazada Ano ang Asthma? Ang Asthma o hika ay sakit na nakakaapekto sa baga. Isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng hika ay ang pagkakalantad sa alikabok, usok mula sa mga sasakyan, mga sinusunog na bagay, sigarilyo, maruming hangin at iba pa. ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C www.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *