JMC, tugon sa Matnog Port congestion

Sa layuning maresolba ang matagal nang problema sa congestion sa Matnog Port, nilagdaan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), kasama ang ilang ahensya ng pambansang pamahalaan, LGU Matnog, at Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon, ang isang Joint Memorandum Circular (JMC).

Ayon kay Atty. Ernesto Perez, Executive Director ng ARTA, ang JMC ay malaking oportunidad hindi lamang para sa LGU Matnog kundi pati na rin sa mga manlalakbay na papunta at mula sa Visayas at Mindanao.

Nilalayon ng JMC na bawasan ang pagsisikip, pagpila, marshalling, at embarkasyon upang gawing mas maginhawa at walang problema ang paglalakbay para sa mga pasahero.

Layon din nito na i-streamline ang mga operasyon ng pantalan at magbigay ng isang mas mahusay na sistema na kapwa pakikinabangan ng port at mga gumagamit nito.

Pinuri naman ni Governor Boboy Hamor ang ARTA sa inisyatiba nito at pinasalamatan ang organisasyon sa pangako nitong resolbahin ang isyu ng congestion sa nasabing pantalan.

Kasabay nito ay inihayag din ng opisyal ang kanyang suporta para sa planong i-digitize ang mga operasyon ng Matnog port, na higit na magpapadali sa proseso at gagawin itong mas mahusay.

Mababatid na sa kasalukuyan ay maayos na nagseserbisyo ang Blue Lane Program na proyekto ng Provincial Goverment kung saan malaking tulong ito para magkaroon ng maayos na sistema  ang mga biyahero sa pagsakay sa mga barko.      

                                                                                                                                 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *