Jo Koy, naging emosyunal matapos na ideklara ang Oct. 7 bilang Jo Koy Day sa LA

Naging emosyunal ang Filipino-American comedian na si Jo Koy, matapos na ideklara ang Oct. 7 bilang Jo Koy day sa Los Angeles.

Sa kanyang Instagram, sinabi nito na hindi niya akalain na magiging emosyunal siya, dahil ang laging lang umano niyang layunin ay ibahagi ang kanyang kwento,at maging kinatawan ng kanyang culture.

Sa video ng kanyang acceptance speech, sinabi ni Jo Koy na gumagawa siya ng mga jokes, dahil gusto umano niyang ibahagi ang kwento ng mga Pilipino ay tulad lang ng bawat iba’-ibang tao sa Amerika.

Sinabi rin nito ang pagkakaroon ng kakulangan ng representation sa American television sa papamagitan ng pagrelate sa storya ng kanyang ibang mga kamag-anakang Pilipino sa US.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, iginiit ni Jo Koy na batid niya ang pakiramdam at ibig sabihin na maglakad-lakad sa palibot na walang nakakarinig at nakakakita, at gusto umano niyang tiyakin na hindi ito langing mananatili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *