Job fair ng DOLE Bicol sa lunsod ng Legazpi ngayong Labor Day, pinilahan

LEGAZPI CITY – Dinagsa at pinilahan ang Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol ngayong ipinagdiriwang Labor Day sa isang mall sa lunsod ng Legazpi.

Ayon kay DOLE Bicol Regional Director, Ma. Zenaida Angara Campita CESO III, ang trabaho, negosyo at kabuhayan ay isang paraan upang matulungan ang mga naghahanap ng trabaho at makakita pa ng mas magandang trabaho.

Makikita sa aktibidad ang mga local, overseas employers at one-stop-shop services ng gobyerno.

Nasa mahigit 8, 500 job vacancies ang naghihintay sa mga matatanggap at hindi pa umano kasama sa nasabing bilang ang overseas jobs dahil patuloy pa ring ina-acredit ito.

Sa ngayon, nasa mahigit 2,000 ang nakapagpa-rehistro sa job fair.

Sinabi ng opisyal, naniniwala siya na marami ang matatanggap sa trabaho base sa kanilang applicant registration na kung saan nakikita nila na mayroon silang mga credentials.

Aabot sa 10-15% o mahigit pa ang posibleng matatanggap sa trabaho ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *