Joey Marquez kinumpirmang engaged na ang anak na si Wynwyn

Kinumpirma ng aktor na si Joey Marquez na engaged na ang kanyang anak na si Wynwyn sa kanyang kasintahan at tatay ng kanyang anak.

Sinabi ni Joey na nagpaalam sa kanya ang partner ni Wyn para pakasalan ang kanyang anak.

Ayon kay Joey expected niyang mauuwi sa kasalan ang dalawa dahil childhood sweetheart ang mga ito.

Inaasahan namang matutuloy ang kasalan ngayong taon bagamat walang binabanggit sa kanya na petsa o iba pang detalye ang couple.

Aminado naman si Joey na wala siya sa lugar para payuhan ang dalawa kung paano maging mabuting asawa pero marami aniya siyang maipapayo bilang isang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *