John Arcilla, hindi ikinatuwa ang maagang pangangampanya ng mga politiko

Nagpahayag ang aktor na si John Arcilla ng galit laban sa mga politiko na ginagawang prayoridad ang 2022 elections sa gitna ng mga problema na idinudulot ng pandemya sa bansa.

Sa twitter, ay pinagmumura ni Arcilla ang mga politiko na nangangampanya na ilang buwan bago ang nakatakdang campaign period.

Sinabi niya sa kaniyang post, “NAKAKA-PUN—- ang mga Pulitikong mas INUUNA PA ANG RAKET kesa kapakanan ng mga Pilipino at Buhay ng TAO,”

Dagdag niya, “Palipasin nyo man lang ang Pandemyang ito tsaka nyo na balikan ang KAGARAPALAN kung di kayo maawat! Nangangamatay na ang mga TAO! Mahiya naman tayo! Nakakagalit na ng husto!”

Naniniwala naman ang aktor na kailangan nang mag-mature ng mga Pilipino sa lalong madaling panahon at umiwas sa “katangahan” sa pahanap ng mga tao na handang isakripisyo ang kanilang sarili para sa ikabubuti ng bansa.

Samantala, ipalalabas na ang upcoming series ni Arcilla na “OTJ: The Missing 8” ng eksklusibo sa HBO GO simula sa September 12.

Magiging six-part series ng HBO Asia Original ang naturang serye na sequel ng patok na 2013 film na dinirek ni Erik Matti.

Mababatid na nakilala si Arcilla dahil sa mga sikat nitong roles na pelikula at telebisyon bilang “Heneral Luna” at “Hipolito”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *