John Lloyd Cruz, nanalong best actor sa Boccalino d’Oro

Inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagkapanalo ni John Lloyd Cruz sa international film festival na Boccalino d’Oro sa kategoryang Best Actor, para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Essential Truths of the Lake” ni Lav Diaz.

Tinanggap ng “King of Contemporary Cinema” ang parangal sa Switzerland.

Ito ang pangalawang pagkakataon na ma-recognize ng jury mula sa Boccalino d’Oro ang talentong Pilipino dahil nakuha ni Hazel Orencio ang best actress award noong 2014 para sa isa pang pelikula ni Diaz.

Ayon naman kay FDCP chairman Tirso Cruz III, karapat-dapat ang parangal na ito kay Cruz dahil sa kalibre nito sa pag-arte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *